30Ngunit hindi pumayag si Haring Sihon ng Hesbon na padaanin tayo dahil pinatigas ng Panginoon na inyong Diyos ang kanyang puso para ibigay niya siya sa ating mga kamay, kagaya ng ginawa niya ngayon.
31Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa akin, “Ito na ang simula ng pagbagsak ni Sihon dahil ipagkakaloob ko siya at ang kanyang kaharian sa inyo. Simulan na ninyong sakupin at angkinin ang kanyang lupain.”
32Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa atin doon sa Jahaz,
33ibinigay siya ng Panginoon na ating Diyos sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya.
34Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila nang lubusan – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.