Deuteronomio 2

ibinigay siya ng Panginoon na ating Diyos sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya.

Deuteronomy 2:33 (UKJV) And the LORD our God delivered him before us; and we stroke him, and his sons, and all his people.

31Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa akin, “Ito na ang simula ng pagbagsak ni Sihon dahil ipagkakaloob ko siya at ang kanyang kaharian sa inyo. Simulan na ninyong sakupin at angkinin ang kanyang lupain.”

32Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa atin doon sa Jahaz,

33ibinigay siya ng Panginoon na ating Diyos sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya.

34Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila nang lubusan – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.

35Dinala natin ang kanilang mga hayop at mga ari-ariang nasamsam natin mula sa kanilang mga bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.