Deuteronomio 20

Kapag silaʼy natalo ninyo sa tulong ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo, patayin ninyo ang lahat ng kanilang mga kalalakihan.

Deuteronomy 20:13 (UKJV) And when the LORD your God has delivered it into yours hands, you shall strike every male thereof with the edge of the sword:

11Kapag sumuko sila at binuksan ang pintuan ng kanilang lungsod, gawin nʼyong alipin ang lahat at paglingkurin para sa inyo.

12Ngunit kung hindi sila susuko at makikipaglaban sila sa inyo, salakayin ninyo sila.

13Kapag silaʼy natalo ninyo sa tulong ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo, patayin ninyo ang lahat ng kanilang mga kalalakihan.

14Ngunit maaari ninyong bihagin ang mga babae, mga bata, at ang mga hayop, at maaari ninyong samsamin ang lahat ng ari-arian na nasa lungsod. Gamitin ninyo ang mga samsam na ito na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos mula sa mga kaaway ninyo.

15Gawin lang ninyo ito sa mga lungsod na hindi bahagi ng lupaing sasakupin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.