9Kapag natapos na ng mga opisyal ang pagsasabi nito sa mga sundalo, pipili sila ng mga pinunong mangunguna sa mga sundalo.
10Kung sasalakay kayo sa isang lungsod, bigyan nʼyo muna sila ng pagkakataong sumuko.
11Kapag sumuko sila at binuksan ang pintuan ng kanilang lungsod, gawin nʼyong alipin ang lahat at paglingkurin para sa inyo.
12Ngunit kung hindi sila susuko at makikipaglaban sila sa inyo, salakayin ninyo sila.
13Kapag silaʼy natalo ninyo sa tulong ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo, patayin ninyo ang lahat ng kanilang mga kalalakihan.