7Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.”
8Sasabihin pa ng mga opisyal, “Kung mayroon sa inyong natatakot o naduduwag, umuwi siya dahil baka matakot din ang mga kasama niya.”
9Kapag natapos na ng mga opisyal ang pagsasabi nito sa mga sundalo, pipili sila ng mga pinunong mangunguna sa mga sundalo.
10Kung sasalakay kayo sa isang lungsod, bigyan nʼyo muna sila ng pagkakataong sumuko.
11Kapag sumuko sila at binuksan ang pintuan ng kanilang lungsod, gawin nʼyong alipin ang lahat at paglingkurin para sa inyo.