Deuteronomio 20

Sasabihin pa ng mga opisyal, “Kung mayroon sa inyong natatakot o naduduwag, umuwi siya dahil baka matakot din ang mga kasama niya.”

Deuteronomy 20:8 (UKJV) And the officers shall speak further unto the people, and they shall say, What man is there that is fearful and fainthearted? let him go and return unto his house, lest his brethren's heart faint as well as his heart.

6Kung mayroon sa inyong nakapagtanim ng ubas at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga nito, umuwi rin siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang makinabang nito.

7Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.”

8Sasabihin pa ng mga opisyal, “Kung mayroon sa inyong natatakot o naduduwag, umuwi siya dahil baka matakot din ang mga kasama niya.”

9Kapag natapos na ng mga opisyal ang pagsasabi nito sa mga sundalo, pipili sila ng mga pinunong mangunguna sa mga sundalo.

10Kung sasalakay kayo sa isang lungsod, bigyan nʼyo muna sila ng pagkakataong sumuko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.