Deuteronomio 20

Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.”

Deuteronomy 20:7 (UKJV) And what man is there that has betrothed a wife, and has not taken her? let him go and return unto his house, lest he die in the battle, and another man take her.

5Pagkatapos, ganito dapat ang sasabihin ng mga opisyal sa mga sundalo: “Sinuman sa inyo ang may bagong bahay na hindi pa naitatalaga, umuwi siya, dahil baka mapatay siya sa labanan, at ibang tao ang magtalaga ng bahay niya.

6Kung mayroon sa inyong nakapagtanim ng ubas at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga nito, umuwi rin siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang makinabang nito.

7Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.”

8Sasabihin pa ng mga opisyal, “Kung mayroon sa inyong natatakot o naduduwag, umuwi siya dahil baka matakot din ang mga kasama niya.”

9Kapag natapos na ng mga opisyal ang pagsasabi nito sa mga sundalo, pipili sila ng mga pinunong mangunguna sa mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.