Deuteronomio 20

Pagkatapos, ganito dapat ang sasabihin ng mga opisyal sa mga sundalo: “Sinuman sa inyo ang may bagong bahay na hindi pa naitatalaga, umuwi siya, dahil baka mapatay siya sa labanan, at ibang tao ang magtalaga ng bahay niya.

Deuteronomy 20:5 (UKJV) And the officers shall speak unto the people, saying, What man is there that has built a new house, and has not dedicated it? let him go and return to his house, lest he die in the battle, and another man dedicate it.

3“Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na itoʼy makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot.

4Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ang sasáma sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!”

5Pagkatapos, ganito dapat ang sasabihin ng mga opisyal sa mga sundalo: “Sinuman sa inyo ang may bagong bahay na hindi pa naitatalaga, umuwi siya, dahil baka mapatay siya sa labanan, at ibang tao ang magtalaga ng bahay niya.

6Kung mayroon sa inyong nakapagtanim ng ubas at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga nito, umuwi rin siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang makinabang nito.

7Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.