Deuteronomio 20

Lipulin ninyo ang lahat ng Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, bilang handog sa Panginoon na inyong Diyos ayon sa kanyang iniutos.

Deuteronomy 20:17 (UKJV) But you shall utterly destroy them; namely, the Hittites, and the Amorites, the Canaanites, and the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites; as the LORD your God has commanded you:

15Gawin lang ninyo ito sa mga lungsod na hindi bahagi ng lupaing sasakupin ninyo.

16Subalit patayin ninyo ang lahat ng tao sa mga lungsod na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.

17Lipulin ninyo ang lahat ng Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, bilang handog sa Panginoon na inyong Diyos ayon sa kanyang iniutos.

18Sapagkat kung hindi, tuturuan nila kayo ng lahat ng mga kasuklam-suklam na gawain nila sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos, at dahil ditoʼy magkakasala kayo sa Panginoon na inyong Diyos.

19Kung matagal ang inyong pagsalakay sa isang lungsod, huwag ninyong puputulin ang mga punong namumunga. Kainin ninyo ang mga bunga nito, ngunit huwag ninyong puputulin, dahil hindi sila mga tao na dapat ninyong lipulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.