14Ngunit maaari ninyong bihagin ang mga babae, mga bata, at ang mga hayop, at maaari ninyong samsamin ang lahat ng ari-arian na nasa lungsod. Gamitin ninyo ang mga samsam na ito na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos mula sa mga kaaway ninyo.
15Gawin lang ninyo ito sa mga lungsod na hindi bahagi ng lupaing sasakupin ninyo.
16Subalit patayin ninyo ang lahat ng tao sa mga lungsod na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.
17Lipulin ninyo ang lahat ng Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, bilang handog sa Panginoon na inyong Diyos ayon sa kanyang iniutos.
18Sapagkat kung hindi, tuturuan nila kayo ng lahat ng mga kasuklam-suklam na gawain nila sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos, at dahil ditoʼy magkakasala kayo sa Panginoon na inyong Diyos.