Deuteronomio 20

Sapagkat kung hindi, tuturuan nila kayo ng lahat ng mga kasuklam-suklam na gawain nila sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos, at dahil ditoʼy magkakasala kayo sa Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 20:18 (UKJV) That they teach you not to do after all their abominations, which they have done unto their gods; so should all of you sin against the LORD your God.

16Subalit patayin ninyo ang lahat ng tao sa mga lungsod na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana.

17Lipulin ninyo ang lahat ng Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo at Jebuseo, bilang handog sa Panginoon na inyong Diyos ayon sa kanyang iniutos.

18Sapagkat kung hindi, tuturuan nila kayo ng lahat ng mga kasuklam-suklam na gawain nila sa pagsamba nila sa kanilang mga diyos, at dahil ditoʼy magkakasala kayo sa Panginoon na inyong Diyos.

19Kung matagal ang inyong pagsalakay sa isang lungsod, huwag ninyong puputulin ang mga punong namumunga. Kainin ninyo ang mga bunga nito, ngunit huwag ninyong puputulin, dahil hindi sila mga tao na dapat ninyong lipulin.

20Ngunit maaari ninyong putulin ang mga puno na walang bunga o walang bungang maaaring kainin, at gamitin ito sa pagsakop sa lungsod hanggang sa maagaw ninyo ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.