Deuteronomio 20

Bago kayo pumunta sa digmaan, dapat lumapit muna ang pari sa harapan ng mga sundalo at sabihin,

Deuteronomy 20:2 (UKJV) And it shall be, when all of you are come nigh unto the battle, that the priest shall approach and speak unto the people,

1Kung kayoʼy makikipagdigma, at makita ninyong mas marami ang mga kabayo, karwahe at sundalo ng inyong kalaban, huwag kayong matatakot, dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.

2Bago kayo pumunta sa digmaan, dapat lumapit muna ang pari sa harapan ng mga sundalo at sabihin,

3“Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na itoʼy makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot.

4Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ang sasáma sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.