Deuteronomio 20

Kung kayoʼy makikipagdigma, at makita ninyong mas marami ang mga kabayo, karwahe at sundalo ng inyong kalaban, huwag kayong matatakot, dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.

Deuteronomy 20:1 (UKJV) When you go out to battle against yours enemies, and see horses, and chariots, and a people more than you, be not afraid of them: for the LORD your God is with you, which brought you up out of the land of Egypt.

1Kung kayoʼy makikipagdigma, at makita ninyong mas marami ang mga kabayo, karwahe at sundalo ng inyong kalaban, huwag kayong matatakot, dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto.

2Bago kayo pumunta sa digmaan, dapat lumapit muna ang pari sa harapan ng mga sundalo at sabihin,

3“Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na itoʼy makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.