9Huwag kayong magtatanim ng ibang binhi sa inyong ubasan. Kapag ginawa ninyo ito, hindi ninyo maaaring gamitin ang bunga ng inyong itinanim, pati na rin ang bunga ng inyong ubasan.
10Huwag ninyong pagpaparisin ang baka at ang asno sa pag-aararo.
11Huwag kayong magsusuot ng damit na gawa sa tela ng pinagsamang lana at lino.
12Lagyan ninyo ng palawit ang apat na gilid ng balabal na damit ninyo.
13Kung napangasawa ng isang lalaki ang isang babae, at pagkatapos nilang magsiping ay inayawan ng lalaki ang kanyang asawa