7Maaari ninyong kunin ang mga itlog o mga inakay, ngunit kailangang pakawalan ninyo ang inahin, para maging mabuti ang inyong kalagayan at mabuhay kayo nang matagal.
8Kung magpapatayo kayo ng bahay, lagyan ninyo ng rehas sa paligid ng inyong patag na bubong upang wala kayong pananagutan kung may mahulog mula sa bubong ninyo at mamatay.
9Huwag kayong magtatanim ng ibang binhi sa inyong ubasan. Kapag ginawa ninyo ito, hindi ninyo maaaring gamitin ang bunga ng inyong itinanim, pati na rin ang bunga ng inyong ubasan.
10Huwag ninyong pagpaparisin ang baka at ang asno sa pag-aararo.
11Huwag kayong magsusuot ng damit na gawa sa tela ng pinagsamang lana at lino.