Deuteronomio 22

Maaari ninyong kunin ang mga itlog o mga inakay, ngunit kailangang pakawalan ninyo ang inahin, para maging mabuti ang inyong kalagayan at mabuhay kayo nang matagal.

Deuteronomy 22:7 (UKJV) But you shall in any way let the dam go, and take the young to you; that it may be well with you, and that you may prolong your days.

5Hindi dapat magsuot ng kasuotang panlalaki ang mga babae, o ang mga lalaki ng kasuotang pambabae, dahil kinasusuklaman ng Panginoon na inyong Diyos ang gumagawa nito.

6Kung may makita kayong mga pugad ng ibon sa tabi ng daan, sa punongkahoy, o sa lupa, at ang inahin ay nakaupo sa mga itlog o sa kanyang mga inakay, huwag ninyong kukunin ang inahing kasama ng mga itlog o mga inakay.

7Maaari ninyong kunin ang mga itlog o mga inakay, ngunit kailangang pakawalan ninyo ang inahin, para maging mabuti ang inyong kalagayan at mabuhay kayo nang matagal.

8Kung magpapatayo kayo ng bahay, lagyan ninyo ng rehas sa paligid ng inyong patag na bubong upang wala kayong pananagutan kung may mahulog mula sa bubong ninyo at mamatay.

9Huwag kayong magtatanim ng ibang binhi sa inyong ubasan. Kapag ginawa ninyo ito, hindi ninyo maaaring gamitin ang bunga ng inyong itinanim, pati na rin ang bunga ng inyong ubasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.