4Kapag nakita mo na ang asno o ang baka ng iyong kapwa ay nabuwal sa daan, huwag mo itong pabayaan. Tulungan mo ang may-ari para maitayo ito.
5Hindi dapat magsuot ng kasuotang panlalaki ang mga babae, o ang mga lalaki ng kasuotang pambabae, dahil kinasusuklaman ng Panginoon na inyong Diyos ang gumagawa nito.
6Kung may makita kayong mga pugad ng ibon sa tabi ng daan, sa punongkahoy, o sa lupa, at ang inahin ay nakaupo sa mga itlog o sa kanyang mga inakay, huwag ninyong kukunin ang inahing kasama ng mga itlog o mga inakay.
7Maaari ninyong kunin ang mga itlog o mga inakay, ngunit kailangang pakawalan ninyo ang inahin, para maging mabuti ang inyong kalagayan at mabuhay kayo nang matagal.
8Kung magpapatayo kayo ng bahay, lagyan ninyo ng rehas sa paligid ng inyong patag na bubong upang wala kayong pananagutan kung may mahulog mula sa bubong ninyo at mamatay.