Deuteronomio 22

Pinagbibintangan niya ang anak ko na hindi na siya birhen nang mapangasawa niya. Ngunit heto ang ebidensya na birhen ang aking anak.” At ipapakita ng magulang sa mga tagapamahala ang sapin ng mag-asawa na may dugo.

Deuteronomy 22:17 (UKJV) And, lo, he has given occasions of speech against her, saying, I found not your daughter a maid; and yet these are the tokens of my daughter's virginity. And they shall spread the cloth before the elders of the city.

15Pupunta ang magulang ng babae sa mga tagapamahala doon sa may pintuan ng bayan. Magdadala sila ng ebidensya na birhen ang anak nila.

16At sasabihin ng ama ng babae sa mga tagapamahala, “Ipinakasal ko ang anak ko sa taong ito at ngayoʼy aayaw siya sa anak ko.

17Pinagbibintangan niya ang anak ko na hindi na siya birhen nang mapangasawa niya. Ngunit heto ang ebidensya na birhen ang aking anak.” At ipapakita ng magulang sa mga tagapamahala ang sapin ng mag-asawa na may dugo.

18Pagkatapos nito, huhulihin ng mga tagapamahala ang lalaki at parurusahan.

19Pagmumultahin siya ng isang daang pirasong pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil ipinahiya niya ang isang birheng Israelita. At dapat ay huwag niyang hihiwalayan ang babae habang nabubuhay siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.