14at pinagbintangan niya ito. At sinabi niya, “Natuklasan kong hindi na birhen ang aking asawa nang sumiping ako sa kanya.”
15Pupunta ang magulang ng babae sa mga tagapamahala doon sa may pintuan ng bayan. Magdadala sila ng ebidensya na birhen ang anak nila.
16At sasabihin ng ama ng babae sa mga tagapamahala, “Ipinakasal ko ang anak ko sa taong ito at ngayoʼy aayaw siya sa anak ko.
17Pinagbibintangan niya ang anak ko na hindi na siya birhen nang mapangasawa niya. Ngunit heto ang ebidensya na birhen ang aking anak.” At ipapakita ng magulang sa mga tagapamahala ang sapin ng mag-asawa na may dugo.
18Pagkatapos nito, huhulihin ng mga tagapamahala ang lalaki at parurusahan.