Deuteronomio 22

Pagmumultahin siya ng isang daang pirasong pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil ipinahiya niya ang isang birheng Israelita. At dapat ay huwag niyang hihiwalayan ang babae habang nabubuhay siya.

Deuteronomy 22:19 (UKJV) And they shall fine him in an hundred shekels of silver, and give them unto the father of the damsel, because he has brought up an evil name upon a virgin of Israel: and she shall be his wife; he may not put her away all his days.

17Pinagbibintangan niya ang anak ko na hindi na siya birhen nang mapangasawa niya. Ngunit heto ang ebidensya na birhen ang aking anak.” At ipapakita ng magulang sa mga tagapamahala ang sapin ng mag-asawa na may dugo.

18Pagkatapos nito, huhulihin ng mga tagapamahala ang lalaki at parurusahan.

19Pagmumultahin siya ng isang daang pirasong pilak at ibibigay ito sa ama ng babae, dahil ipinahiya niya ang isang birheng Israelita. At dapat ay huwag niyang hihiwalayan ang babae habang nabubuhay siya.

20Subalit kung totoo ang bintang at walang makitang ebidensya na birhen ang babae,

21dadalhin ang babaeng iyon sa harap ng bahay ng kanyang ama at doon babatuhin siya ng mga lalaki ng bayan hanggang sa mamatay. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa. Nakakahiya ang bagay na ginawa niya sa Israel sa pamamagitan ng pakikiapid habang nasa poder pa siya ng kanyang ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.