Deuteronomio 23

Dapat walang Israelita, lalaki man o babae, na magbebenta ng kanyang katawan bilang pagsamba sa mga diyos-diyosan sa templo.

Deuteronomy 23:17 (UKJV) There shall be no whore of the daughters of Israel, nor a sodomite of the sons of Israel.

15Kung tumakas ang isang alipin sa kanyang amo at tumakbo sa inyo, huwag ninyo siyang piliting bumalik sa kanyang amo.

16Patirahin ninyo siya sa inyong lugar, kahit saang bayan niya gusto. Huwag ninyo siyang aapihin.

17Dapat walang Israelita, lalaki man o babae, na magbebenta ng kanyang katawan bilang pagsamba sa mga diyos-diyosan sa templo.

18Huwag ninyong dadalhin sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang perang natanggap ninyo sa pamamaraang ito bilang bayad sa inyong pangako sa Panginoon na inyong Diyos, dahil kasuklam-suklam ito sa kanya.

19Kung magpapautang kayo sa kapwa ninyo Israelita, huwag ninyo itong tutubuan, pera man ito o pagkain o anumang bagay na maaaring patubuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.