Deuteronomio 23

Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, ngunit hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito upang pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

Deuteronomy 23:20 (UKJV) Unto a stranger you may lend upon interest; but unto your brother you shall not lend upon interest: that the LORD your God may bless you in all that you set yours hand to in the land where you go to possess it.

18Huwag ninyong dadalhin sa bahay ng Panginoon na inyong Diyos ang perang natanggap ninyo sa pamamaraang ito bilang bayad sa inyong pangako sa Panginoon na inyong Diyos, dahil kasuklam-suklam ito sa kanya.

19Kung magpapautang kayo sa kapwa ninyo Israelita, huwag ninyo itong tutubuan, pera man ito o pagkain o anumang bagay na maaaring patubuan.

20Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, ngunit hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito upang pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

21Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Diyos, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito.

22Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.