Deuteronomio 23

Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon.

Deuteronomy 23:22 (UKJV) But if you shall forbear to vow, it shall be no sin in you.

20Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, ngunit hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito upang pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

21Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Diyos, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito.

22Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon.

23Ngunit anumang ipanata ninyo sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat ninyong tuparin.

24Kung pupunta kayo sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain hanggang gusto ninyo, ngunit huwag kayong kukuha at maglalagay sa inyong lalagyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.