Deuteronomio 23

Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Diyos, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito.

Deuteronomy 23:21 (UKJV) When you shall vow a vow unto the LORD your God, you shall not slack to pay it: for the LORD your God will surely require it of you; and it would be sin in you.

19Kung magpapautang kayo sa kapwa ninyo Israelita, huwag ninyo itong tutubuan, pera man ito o pagkain o anumang bagay na maaaring patubuan.

20Maaari kayong magpautang nang may patubo sa mga dayuhan, ngunit hindi sa mga kapwa ninyo Israelita. Gawin ninyo ito upang pagpalain kayo ng Panginoon na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo.

21Kung gagawa kayo ng panata sa Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong patatagalin ang pagtupad nito, dahil siguradong sisingilin kayo ng Panginoon na inyong Diyos, at magkakasala kayo sa hindi pagtupad nito.

22Hindi ito kasalanan kung hindi kayo gumawa ng panata sa Panginoon.

23Ngunit anumang ipanata ninyo sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat ninyong tuparin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.