23Ngunit anumang ipanata ninyo sa Panginoon na inyong Diyos ay dapat ninyong tuparin.
24Kung pupunta kayo sa ubasan ng inyong kapwa, maaari kayong kumain hanggang gusto ninyo, ngunit huwag kayong kukuha at maglalagay sa inyong lalagyan.
25Kung mapapadaan kayo sa taniman ng trigo ng inyong kapwa, maaari kayong makaputol ng mga uhay, ngunit huwag ninyo itong gagamitan ng karit na panggapas.