1Kapag naangkin na ninyo ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana, at doon na kayo naninirahan,
2ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos kung saan pararangalan siya.
3Pumunta kayo sa paring naglilingkod sa panahong iyon, at sabihin sa kanya, “Sa pamamagitan ng handog na ito, kinikilala ko sa araw na ito, na ang Panginoon na ating Diyos ang nagdala sa akin sa lupaing ito na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.”
4Pagkatapos, kukunin ng pari ang basket sa inyo at ilalagay ito sa harap ng altar ng Panginoon na inyong Diyos.