Deuteronomio 26

Pumunta kayo sa paring naglilingkod sa panahong iyon, at sabihin sa kanya, “Sa pamamagitan ng handog na ito, kinikilala ko sa araw na ito, na ang Panginoon na ating Diyos ang nagdala sa akin sa lupaing ito na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.”

Deuteronomy 26:3 (UKJV) And you shall go unto the priest that shall be in those days, and say unto him, I profess this day unto the LORD your God, that I am come unto the country which the LORD swore unto our fathers in order to give us.

1Kapag naangkin na ninyo ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos bilang inyong mana, at doon na kayo naninirahan,

2ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Diyos kung saan pararangalan siya.

3Pumunta kayo sa paring naglilingkod sa panahong iyon, at sabihin sa kanya, “Sa pamamagitan ng handog na ito, kinikilala ko sa araw na ito, na ang Panginoon na ating Diyos ang nagdala sa akin sa lupaing ito na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno na ibibigay sa atin.”

4Pagkatapos, kukunin ng pari ang basket sa inyo at ilalagay ito sa harap ng altar ng Panginoon na inyong Diyos.

5At sasabihin ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, “Ang amin pong ninuno na si Jacob ay isang Arameong walang permanenteng tirahan. Pumunta siya sa Ehipto at nanirahan doon kasama ang kanyang pamilya. Kaunti lang sila noon, ngunit dumami sila at nang bandang huli ay naging makapangyarihang bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.