5At sasabihin ninyo ito sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, “Ang amin pong ninuno na si Jacob ay isang Arameong walang permanenteng tirahan. Pumunta siya sa Ehipto at nanirahan doon kasama ang kanyang pamilya. Kaunti lang sila noon, ngunit dumami sila at nang bandang huli ay naging makapangyarihang bansa.
6Ngunit pinagmalupitan po kami ng mga Ehipsiyo. Pinahirapan nila kami at pinilit na magtrabaho.
7Humingi kami ng tulong sa inyo, Panginoon, ang Diyos ng aming mga ninuno, at pinakinggan nʼyo kami. Nakita nʼyo ang mga paghihirap, mga pagtitiis at pagpapakasakit namin.
8Kaya kinuha nʼyo kami sa Ehipto, Panginoon na aming Diyos, sa pamamagitan ng dakila nʼyong kapangyarihan at nakakatakot na mga gawa. Gumawa kayo ng himala at mga kamangha-manghang bagay.
9Dinala nʼyo kami sa lugar na ito, at ibinigay sa amin ang lupaing masagana sa gatas at pulot.