6Ngunit pinagmalupitan po kami ng mga Ehipsiyo. Pinahirapan nila kami at pinilit na magtrabaho.
7Humingi kami ng tulong sa inyo, Panginoon, ang Diyos ng aming mga ninuno, at pinakinggan nʼyo kami. Nakita nʼyo ang mga paghihirap, mga pagtitiis at pagpapakasakit namin.
8Kaya kinuha nʼyo kami sa Ehipto, Panginoon na aming Diyos, sa pamamagitan ng dakila nʼyong kapangyarihan at nakakatakot na mga gawa. Gumawa kayo ng himala at mga kamangha-manghang bagay.
9Dinala nʼyo kami sa lugar na ito, at ibinigay sa amin ang lupaing masagana sa gatas at pulot.
10Kaya narito po kami ngayon, O Panginoon, dinadala namin ang unang bahagi ng ani ng lupaing ibinigay ninyo sa amin.” Pagkatapos ninyo itong sabihin, ilagay ninyo ang basket sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at sumamba kayo sa kanya.