Deuteronomio 26

Kaya narito po kami ngayon, O Panginoon, dinadala namin ang unang bahagi ng ani ng lupaing ibinigay ninyo sa amin.” Pagkatapos ninyo itong sabihin, ilagay ninyo ang basket sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at sumamba kayo sa kanya.

Deuteronomy 26:10 (UKJV) And now, behold, I have brought the first-fruits of the land, which you, O LORD, have given me. And you shall set it before the LORD your God, and worship before the LORD your God:

8Kaya kinuha nʼyo kami sa Ehipto, Panginoon na aming Diyos, sa pamamagitan ng dakila nʼyong kapangyarihan at nakakatakot na mga gawa. Gumawa kayo ng himala at mga kamangha-manghang bagay.

9Dinala nʼyo kami sa lugar na ito, at ibinigay sa amin ang lupaing masagana sa gatas at pulot.

10Kaya narito po kami ngayon, O Panginoon, dinadala namin ang unang bahagi ng ani ng lupaing ibinigay ninyo sa amin.” Pagkatapos ninyo itong sabihin, ilagay ninyo ang basket sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at sumamba kayo sa kanya.

11Magsaya kayo dahil mabuti ang mga bagay na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo at sa inyong pamilya. Isama rin ninyo sa pagdiriwang ang mga Levita at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo.

12Sa bawat ikatlong taon, ibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong ani sa mga Levita, sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para mayroon silang masaganang pagkain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.