Deuteronomio 26

Magsaya kayo dahil mabuti ang mga bagay na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo at sa inyong pamilya. Isama rin ninyo sa pagdiriwang ang mga Levita at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo.

Deuteronomy 26:11 (UKJV) And you shall rejoice in every good thing which the LORD your God has given unto you, and unto yours house, you, and the Levite, and the stranger that is among you.

9Dinala nʼyo kami sa lugar na ito, at ibinigay sa amin ang lupaing masagana sa gatas at pulot.

10Kaya narito po kami ngayon, O Panginoon, dinadala namin ang unang bahagi ng ani ng lupaing ibinigay ninyo sa amin.” Pagkatapos ninyo itong sabihin, ilagay ninyo ang basket sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at sumamba kayo sa kanya.

11Magsaya kayo dahil mabuti ang mga bagay na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo at sa inyong pamilya. Isama rin ninyo sa pagdiriwang ang mga Levita at ang mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo.

12Sa bawat ikatlong taon, ibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong ani sa mga Levita, sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda, para mayroon silang masaganang pagkain.

13Pagkatapos, sabihin ninyo sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, “Kinuha ko na po sa aking bahay ang banal na bahagi, iyon ang ikasampung bahagi, at ibinigay sa mga Levita, sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda ayon sa lahat ng iniutos nʼyo sa amin. Hindi po ako sumuway o lumimot sa kahit isang utos ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.