Deuteronomio 28

Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo.

Deuteronomy 28:35 (UKJV) The LORD shall strike you in the knees, and in the legs, with a sore botch that cannot be healed, from the sole of your foot unto the top of your head.

33Kakainin ng mga taong hindi ninyo nakikilala ang pinaghirapan ninyo, at palagi kayong aapihin at pahihirapan.

34At kapag nakita ninyo itong lahat, mababaliw kayo.

35Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo.

36Kayo at ang pinili ninyong hari ay ipapabihag ng Panginoon sa bansang hindi ninyo kilala maging ng inyong mga ninuno. Doon, sasamba kayo sa ibang mga diyos na gawa sa kahoy at bato.

37Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansang pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.