35Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo.
36Kayo at ang pinili ninyong hari ay ipapabihag ng Panginoon sa bansang hindi ninyo kilala maging ng inyong mga ninuno. Doon, sasamba kayo sa ibang mga diyos na gawa sa kahoy at bato.
37Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansang pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.
38Marami ang itatanim ninyo ngunit kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang.
39Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, ngunit hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.