Deuteronomio 28

Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, ngunit hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.

Deuteronomy 28:39 (UKJV) You shall plant vineyards, and dress them, but shall neither drink of the wine, nor gather the grapes; for the worms shall eat them.

37Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansang pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

38Marami ang itatanim ninyo ngunit kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang.

39Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, ngunit hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.

40Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, ngunit wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito.

41Magkakaanak kayo ngunit mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.