Deuteronomio 28

Kakainin ng mga insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.

Deuteronomy 28:42 (UKJV) All your trees and fruit of your land shall the locust consume.

40Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, ngunit wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito.

41Magkakaanak kayo ngunit mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila.

42Kakainin ng mga insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.

43Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina.

44Papautangin nila kayo ngunit hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.