42Kakainin ng mga insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.
43Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina.
44Papautangin nila kayo ngunit hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila.
45Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Diyos at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.
46Magiging tanda at babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman.