Deuteronomio 28

Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Diyos at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.

Deuteronomy 28:45 (UKJV) Moreover all these curses shall come upon you, and shall pursue you, and overtake you, till you be destroyed; because you hearkened not unto the voice of the LORD your God, to keep his commandments and his statutes which he commanded you:

43Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina.

44Papautangin nila kayo ngunit hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila.

45Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Diyos at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.

46Magiging tanda at babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman.

47Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Diyos sa panahon ng inyong kasaganaan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.