16Nalalaman ninyo kung paano tayo nanirahan sa Ehipto noon at kung paano tayo naglakbay sa lupain ng iba pang mga bansa papunta sa lugar na ito.
17Nakita ninyo ang kanilang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan na ginawa mula sa kahoy, bato, pilak at ginto.
18Tiyakin ninyong wala ni isa sa inyo, babae o lalaki, sambahayan o angkan, na tatalikod sa Panginoon na ating Diyos at sasamba sa mga diyos ng mga bansang iyon para wala ni isa sa inyo ang maging katulad ng ugat na tumutubong mapait at nakakalason.
19Ang sinumang nakarinig ng mga babala ng sumpang ito ay huwag mag-iisip na hindi siya masasaktan kahit na magpatuloy siya sa kanyang gusto. Pagbagsak ang idudulot nito sa inyong lahat.
20Hindi siya patatawarin ng Panginoon. Maglalagablab ang galit ng Panginoon sa kanya tulad ng apoy, at mangyayari sa kanya ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito, at buburahin ng Panginoon ang kanyang pangalan sa mundo.