14Hindi lamang sa inyo ako nakikipagkasundo na may kalakip na sumpa.
15Ginagawa ko ang kasunduang ito hindi lamang sa inyo na nakatayo ngayon sa harapan ng Panginoon na ating Diyos, kundi pati na sa mga susunod pang salinlahi na hindi natin kasama ngayon.
16Nalalaman ninyo kung paano tayo nanirahan sa Ehipto noon at kung paano tayo naglakbay sa lupain ng iba pang mga bansa papunta sa lugar na ito.
17Nakita ninyo ang kanilang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan na ginawa mula sa kahoy, bato, pilak at ginto.
18Tiyakin ninyong wala ni isa sa inyo, babae o lalaki, sambahayan o angkan, na tatalikod sa Panginoon na ating Diyos at sasamba sa mga diyos ng mga bansang iyon para wala ni isa sa inyo ang maging katulad ng ugat na tumutubong mapait at nakakalason.