13Gusto niyang mapatunayan sa inyo sa araw na ito na kayo ang mamamayan niya at siya ang Diyos ninyo ayon sa ipinangako niya sa inyo at sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.
14Hindi lamang sa inyo ako nakikipagkasundo na may kalakip na sumpa.
15Ginagawa ko ang kasunduang ito hindi lamang sa inyo na nakatayo ngayon sa harapan ng Panginoon na ating Diyos, kundi pati na sa mga susunod pang salinlahi na hindi natin kasama ngayon.
16Nalalaman ninyo kung paano tayo nanirahan sa Ehipto noon at kung paano tayo naglakbay sa lupain ng iba pang mga bansa papunta sa lugar na ito.
17Nakita ninyo ang kanilang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan na ginawa mula sa kahoy, bato, pilak at ginto.