Deuteronomio 29

Ang buong lupain ninyo ay magiging katulad ng disyerto na natabunan ng asupre at asin. Walang magtatanim sa lupaing ito dahil hindi tutubo ang mga pananim. Magiging katulad ito ng pagkawasak ng Sodoma at Gomora, Adma at Zeboim na ibinagsak ng Panginoon dahil sa matindi niyang galit.

Deuteronomy 29:23 (UKJV) And that the whole land thereof is brimstone, and salt, and burning, that it is not sown, nor bears, nor any grass grows therein, like the overthrow of Sodom, and Gomorrah, Admah, and Zeboim, which the LORD overthrew in his anger, and in his wrath:

21Ibubukod siya ng Panginoon sa lahat ng lahi ng Israel, at pahihirapan siya ayon sa mga sumpa ng kasunduan na nakasulat dito sa Aklat ng Kautusan.

22Sa mga susunod na henerasyon, ang inyong mga lahi at ang mga dayuhang galing sa malayong lugar ay makakakita ng mga kalamidad at mga karamdamang ipapadala ng Panginoon sa inyo.

23Ang buong lupain ninyo ay magiging katulad ng disyerto na natabunan ng asupre at asin. Walang magtatanim sa lupaing ito dahil hindi tutubo ang mga pananim. Magiging katulad ito ng pagkawasak ng Sodoma at Gomora, Adma at Zeboim na ibinagsak ng Panginoon dahil sa matindi niyang galit.

24Pagkatapos, magtatanong ang mga bansa, “Bakit ginawa ito ng Panginoon sa kanyang bansa? Bakit napakatindi ng kanyang galit?”

25At sasagutin sila nang ganito, “Dahil sinuway ng mga taong ito ang kasunduang ginawa sa kanila ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang inilabas niya sila sa Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.