23Ang buong lupain ninyo ay magiging katulad ng disyerto na natabunan ng asupre at asin. Walang magtatanim sa lupaing ito dahil hindi tutubo ang mga pananim. Magiging katulad ito ng pagkawasak ng Sodoma at Gomora, Adma at Zeboim na ibinagsak ng Panginoon dahil sa matindi niyang galit.
24Pagkatapos, magtatanong ang mga bansa, “Bakit ginawa ito ng Panginoon sa kanyang bansa? Bakit napakatindi ng kanyang galit?”
25At sasagutin sila nang ganito, “Dahil sinuway ng mga taong ito ang kasunduang ginawa sa kanila ng Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang inilabas niya sila sa Ehipto.
26Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga diyos na hindi nila nakikilala, na ipinagbawal ng Panginoon na sambahin nila.
27Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanilang bansa at ipinalasap niya sa kanila ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito.