Deuteronomio 3

(Si Og na hari ng Bashan lamang ang nag-iisang natira sa mga lahi ng Rafa. Ang higaan niyang bakal ay may habang labintatlong talampakan at anim na talampakan ang lapad. Makikita pa ito ngayon sa Rabba na lungsod ng mga Amonita.)

Deuteronomy 3:11 (UKJV) For only Og king of Bashan remained of the remnant of giants; behold his bedstead was a bedstead of iron; is it not in Rabbath of the children of Ammon? nine cubits was the length thereof, and four cubits the breadth of it, after the cubit of a man.

9(Ang Bundok ng Hermon ay tinatawag ng mga Sidoneo na Sirion at ng mga Amoreo na Senir.)

10Inagaw natin ang lahat ng bayan na nasa talampas, ang buong Gilead at ang buong Bashan hanggang sa Saleca at Edrei, na mga bayan na sakop ng kaharian ni Og ng Bashan.

11(Si Og na hari ng Bashan lamang ang nag-iisang natira sa mga lahi ng Rafa. Ang higaan niyang bakal ay may habang labintatlong talampakan at anim na talampakan ang lapad. Makikita pa ito ngayon sa Rabba na lungsod ng mga Amonita.)

12Nang maagaw natin ang lupaing ito, ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang lupain sa hilaga ng Aroer malapit sa Lambak ng Arnon pati na ang kalahati ng kaburulan ng Gilead at ang mga bayan nito.

13Ibinigay ko ang natirang bahagi ng Gilead at ng buong Bashan, na kaharian ni Og, sa kalahating lahi ni Manases. (Ang buong Argob sa Bashan ay tinatawag noon na Lupain ng mga Refaim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.