10Inagaw natin ang lahat ng bayan na nasa talampas, ang buong Gilead at ang buong Bashan hanggang sa Saleca at Edrei, na mga bayan na sakop ng kaharian ni Og ng Bashan.
11(Si Og na hari ng Bashan lamang ang nag-iisang natira sa mga lahi ng Rafa. Ang higaan niyang bakal ay may habang labintatlong talampakan at anim na talampakan ang lapad. Makikita pa ito ngayon sa Rabba na lungsod ng mga Amonita.)
12Nang maagaw natin ang lupaing ito, ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang lupain sa hilaga ng Aroer malapit sa Lambak ng Arnon pati na ang kalahati ng kaburulan ng Gilead at ang mga bayan nito.
13Ibinigay ko ang natirang bahagi ng Gilead at ng buong Bashan, na kaharian ni Og, sa kalahating lahi ni Manases. (Ang buong Argob sa Bashan ay tinatawag noon na Lupain ng mga Refaim.
14Si Jair na mula sa lahi ni Manases, ang nagmamay-ari ng buong Argob na sakop ng Bashan hanggang sa hangganan ng lupain ng mga Gesureo at ng mga Maacateo. Pinangalanan ni Jair ng mismong pangalan niya ang teritoryong ito, kaya hanggang sa ngayon, ang Bashan ay tinatawag na Mga Bayan ni Jair.)