12Nang maagaw natin ang lupaing ito, ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang lupain sa hilaga ng Aroer malapit sa Lambak ng Arnon pati na ang kalahati ng kaburulan ng Gilead at ang mga bayan nito.
13Ibinigay ko ang natirang bahagi ng Gilead at ng buong Bashan, na kaharian ni Og, sa kalahating lahi ni Manases. (Ang buong Argob sa Bashan ay tinatawag noon na Lupain ng mga Refaim.
14Si Jair na mula sa lahi ni Manases, ang nagmamay-ari ng buong Argob na sakop ng Bashan hanggang sa hangganan ng lupain ng mga Gesureo at ng mga Maacateo. Pinangalanan ni Jair ng mismong pangalan niya ang teritoryong ito, kaya hanggang sa ngayon, ang Bashan ay tinatawag na Mga Bayan ni Jair.)
15Ibinigay ko ang Gilead sa angkan ni Maquir.
16Ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jaboc, na hangganan din ng lupain ng mga Amonita.