Deuteronomio 3

Ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jaboc, na hangganan din ng lupain ng mga Amonita.

Deuteronomy 3:16 (UKJV) And unto the Reubenites and unto the Gadites I gave from Gilead even unto the river Arnon half the valley, and the border even unto the river Jabbok, which is the border of the children of Ammon;

14Si Jair na mula sa lahi ni Manases, ang nagmamay-ari ng buong Argob na sakop ng Bashan hanggang sa hangganan ng lupain ng mga Gesureo at ng mga Maacateo. Pinangalanan ni Jair ng mismong pangalan niya ang teritoryong ito, kaya hanggang sa ngayon, ang Bashan ay tinatawag na Mga Bayan ni Jair.)

15Ibinigay ko ang Gilead sa angkan ni Maquir.

16Ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jaboc, na hangganan din ng lupain ng mga Amonita.

17Ang hangganan sa kanluran ay ang Kapatagan ng Jordan pati na ang Ilog Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Dagat na Patay sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga sa silangan.

18Nang panahong iyon, inutusan ko ang mga angkan ninyo na naninirahan sa silangan ng Jordan, “Kahit na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos ang lupang ito para angkinin ninyo, kailangang tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Ilog Jordan na armado at handang manguna sa inyong mga kapatid na Israelita sa pakikipaglaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.