Deuteronomio 3

Ang hangganan sa kanluran ay ang Kapatagan ng Jordan pati na ang Ilog Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Dagat na Patay sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga sa silangan.

Deuteronomy 3:17 (UKJV) The plain also, and Jordan, and the coast thereof, from Chinnereth even unto the sea of the plain, even the salt sea, under Ashdothpisgah eastward.

15Ibinigay ko ang Gilead sa angkan ni Maquir.

16Ibinigay ko sa mga lahi nina Ruben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jaboc, na hangganan din ng lupain ng mga Amonita.

17Ang hangganan sa kanluran ay ang Kapatagan ng Jordan pati na ang Ilog Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Dagat na Patay sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga sa silangan.

18Nang panahong iyon, inutusan ko ang mga angkan ninyo na naninirahan sa silangan ng Jordan, “Kahit na ibinigay ng Panginoon na inyong Diyos ang lupang ito para angkinin ninyo, kailangang tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Ilog Jordan na armado at handang manguna sa inyong mga kapatid na Israelita sa pakikipaglaban.

19Ngunit iiwan ninyo ang inyong mga asawaʼt anak, at ang napakarami ninyong hayop sa mga bayan na ibinigay ko sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.