Deuteronomio 3

Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya sa iyo pati ang kanyang mga sundalo at ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”

Deuteronomy 3:2 (UKJV) And the LORD said unto me, Fear him not: for I will deliver him, and all his people, and his land, into your hand; and you shall do unto him as you did unto Sihon king of the Amorites, which dwelt at Heshbon.

1Pagkatapos, tumuloy tayo sa Bashan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan at ng kanyang hukbo.

2Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya sa iyo pati ang kanyang mga sundalo at ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”

3Kaya ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos si Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kanyang sundalo. Pinatay natin sila at wala tayong itinirang buháy.

4Inagaw natin ang lahat ng animnapung lungsod niya – ang buong teritoryo ng Argob kung saan naghahari si Haring Og ng Bashan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.