1Pagkatapos, tumuloy tayo sa Bashan ngunit pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan at ng kanyang hukbo.
2Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya sa iyo pati ang kanyang mga sundalo at ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”
3Kaya ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos si Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kanyang sundalo. Pinatay natin sila at wala tayong itinirang buháy.