20Kapag naangkin na ng mga kapwa ninyo Israelita ang lupain sa kabila ng Jordan na ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Diyos, at kapag nabigyan na sila ng kasiguraduhan katulad ng kanyang ginawa sa inyo, makakabalik na kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo bilang ari-arian ninyo.”
21At nang panahong iyon, sinabi ko rin kay Josue, “Nakita mo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Diyos sa dalawang Haring iyon. Ganoon din ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kaharian na inyong pupuntahan.
22Huwag kayong matakot sa kanila; ang Panginoon na inyong Diyos mismo ang makikipaglaban para sa inyo.”
23Nang panahong iyon, nagmakaawa ako sa Panginoon. Sinabi ko,
24“O Makapangyarihang Panginoon, sinimulan na ninyong ipakita sa inyong lingkod ang inyong kadakilaan, dahil walang diyos sa langit o sa lupa na makakagawa ng mga himala na inyong ginawa.